Why do people always replace me? Am I really that bad?
Broken thoughts
Baka nga mamaya okay na ulit.
Kahapon bago ka matulog ang dami mong iniisip na mga bagay.
Mga kinakatakutan na paano kung hindi mangyari o masunod ang mga pinaplano mo, paano mo haharapin yung ganoong klaseng riyalidad o sitwasyon. Mga bagay na gusto mong tapusin, aralin, simulan, at intindihin.
Natulog ka lang. Gumising ka lang.
Tapos ayan na pakiramdam mo talo ka na. Hindi pa tumitilaok yung manok, wala ka pang naisa-sawsaw na pandesal sa kape, talo ka na. Gumising ka na lang na walang paki sa kung anong mangyayari, ayaw mo na din tapusin, aralin, simulan, at intindihin.
Ang gusto mo na lang humiga tapos subukan pigilan ang paghinga at umasa na eto na tapos na. Pero hindi mumulat at mumulat pa din ang mga mata mo, hahabulin mo pa din ang pag hinga mo. Babangon, hihingang malalim at susubukan hanapin kung nasaan yung kung anong kapiranggot na buhay sa mata mo.
Biruin mo yon. Araw araw mong bibiruin ang sarili mo. Sasabihin mo na kaya mo kahit sa kaloob-looban mo ayaw mo na bumangon. Biruin ang sarili na baka mamaya lumitaw ulit ang sarili, baka mamaya okay ka na ulit.
positive vibes in❤
Hahahha funny
Adorbs 😊
The problem with comparing is when you compare yourself to others (or your relationship to others) you lose every time.
happiness
Look at the other girls they're so beautiful and sexy.... Not like me!
6PM MOON IN DUBAI
You were like a warm day in the dead of winter. Beautifully out of place. A reminder of the better things.
J.c.A